Trabaho naghihintay sa 430 vocational graduates
August 27, 2006 | 12:00am
Pinangunahan ni Caloocan City Mayor Enrico "Recom" Echiverri ang ginanap na graduation ceremonies ng 430 residente na kumuha ng ibat-ibang technical at vocational courses na isinagawa ng lokal na pamahalaan upang ihanda ang mga ito sa pagtatrabaho. Ayon kay Echiverri, sa pamamagitan ng Labor and Industrial Relations Office-Caloocan City Manpower Training Center (LIRO-CCMTC) ay naisagawa ang pagsasanay sa mga residente sa tulong na rin ng Liga ng mga Barangay na pinamumunuan ni Councilor RJ Echiverri. Ayon naman kay Councilor Echiverri, patuloy ang kanyang pakikipag-ugnayan sa city government upang maging tuloy-tuloy ang gagawing training para sa mga residente na isang paraan para madaling makakuha ang mga ito ng magandang trabaho. Sinabi naman ng alkalde, ang mga nagtapos sa training ay kinakailangang kumuha ng skills examination sa Technical Education ng Skills Development Authority (TESDA) at ang makakapasa ay bibigyan ng Public Employment Services Office (PESO) ng "referral letter" sa ibat-ibang establisimiyento sa lungsod upang makakuha ng trabaho.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended