^

Bansa

‘Puzzle’ sa pol. killings nabubuo na — Gonzales

-
Dahil sa pag-amin ng isang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa pagpatay sa isang abogado noong Huwebes, tila isang "puzzle" na unti-unti nang nabubuo at nareresolba ang suliranin kaugnay sa extra-judicial killings. Ayon kay National Security Adviser Norberto Gonzales, meron pang mga witness at pruweba na magdidiin sa CPP-NPA sa ginawang pagpatay ng mga ito sa mga militante.

"Like pieces of a complicated puzzle, things are falling into place. The veneer of lies which the communist movement had put up is slowly being peeled to reveal the deceitfulness and ruthlessness of its campaign to blacken the image of government," ayon kay Gonzales, pinuno rin ng Partido Sosyalista Demokratiko ng Pilipinas (PDSP).

Matatandaang binaril at napatay ng isang umaming NPA na si Rodolfo Paglinawan, ang abogado ng unyong Nagkakaisang Samahan ng Purefoods Hormel sa isang fast food chain sa Cubao, Quezon City. Ito ay bukod pa sa tatlong pinatay umano niya sa Camanava area. 

Nabatid na pinapatay ang mga nasabing biktima dahil sa mga pagkakasala ng mga ito sa kilusan ng mga rebelde na ibinabato lamang sa pamahalaan.

AYON

CAMANAVA

CUBAO

NAGKAKAISANG SAMAHAN

NATIONAL SECURITY ADVISER NORBERTO GONZALES

NEW PEOPLE

PARTIDO SOSYALISTA DEMOKRATIKO

PUREFOODS HORMEL

QUEZON CITY

RODOLFO PAGLINAWAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with