^

Bansa

200 schools sali sa ladderized education

-
Umaabot na sa 200 paaralan sa buong bansa ang nais makiisa sa pagpapatupad ng ‘‘ladderized education’’ na kasalukuyang ipinapatupad ng Technical Education and Skills Development Au-thority.

Ayon kay Tesda Director General Secretary Augusto "Boboy" Syjuco, ang ‘‘ladderized education’’ ay isang paraan ng pag-aaral na nagsisimula sa mga kursong Technical-Vocational (Tech-Voc) na maaaring magamit sa pagpapatuloy ng pag-aaral naman sa kolehiyo.

‘‘Ang isang estudyante ay magsisimula sa isang Tech-Voc module, na magagamit naman upang mabawasan ang mga aralin upang makakuha ng diploma sa kolehiyo,’’ paliwanag ni Syjuco.

Sa pamamagitan ng ‘‘ladderized education,’’ mas magiging matipid ang pagkuha ng mga Tech-Voc na kurso kaysa sa mga tradisyonal na kurso sa kolehiyo. ‘‘Sa ganitong paraan, ang isang estudyante ay magkakaroon ng pagkakataon na maka-pag-aral, kaalinsabay ng paghahanapbuhay na magagamit ang kanilang mga natutunan sa ilalim ng programa,’’ ani Syjuco.

Nagbigay naman si Pangulong Arroyo sa TESDA ng 5,200 PGMA Training for Work Scholarship sa limang karapat-dapat na mga estudyante sa bawat ladderized na kursong pangkolehiyo.

AYON

BOBOY

NAGBIGAY

PANGULONG ARROYO

SYJUCO

TECH-VOC

TECHNICAL EDUCATION AND SKILLS DEVELOPMENT AU

TESDA DIRECTOR GENERAL SECRETARY AUGUSTO

WORK SCHOLARSHIP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with