Sinuspindeng GSIS union leaders pinababalik ng CA
August 25, 2006 | 12:00am
Pinababalik ng Court of Appeals (CA) ang dalawang union leaders ng Government Service Insurance System (GSIS) matapos na suspendihin ang mga ito ng pamunuan ng GSIS.
Sa resolution ng CA-9th Division, idineklara nitong illegal ang ginawang pagsuspinde ng GSIS kina Albert Velasco at Mario Molina, pangulo at speaker ng Kapisanan ng mga Manggagawa (KMG) sa GSIS at nagkamali din umano ang Civil Service Commission (CSC) sa pagdedeklarang moot and academic na umano ang kaso ng illegal na pagsuspinde sa mga ito. Pinal na ring ibinasura ng korte ang motion for reconsideration na inihain ni GSIS President and General Manager Winston Garcia.
Inatasan din ng CA ang GSIS na ibalik kina Molina at Velasco ang kanilang suweldo sa loob ng 3 buwan.
Ipinaliwanag pa rin ng CA na lumabag ang GSIS sa Section 12, 15 at 16 ng Uniform Rules on Dealing with administrative cases ng CSC dahil sa hindi man lamang umano dumaan sa preliminary investigation ang kasong administratibong isinampa laban sa dalawa.
Sina Velasco at Molina umano ang nanguna sa kampanya sa pagpapatalsik kay Garcia. (Grace dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest