Katarungan kay Paler! — Aksa

Mariing pagkondena ang ipinahayag kahapon ng demokratikong grupong Aksyon Sambayanan (Aksa) kaugnay sa pagpaslang kay transport leader Ambrosio Paler, Jr. kamakalawa. Si Paler ay presidente ng mga Operators at Drivers ng Jeepney Biyaheng Evangelista at Libertad (Sodjobel) ay binaril at napatay kamakalawa ng umaga sa kanyang pinapasadang jeep sa Makati City ng hindi pa nakikilalang mga suspek. Naniniwala ang mga kapwa leader ng Sodjobel na may kinalaman ang nasabing pagpaslang sa isinampang kasong administratibo at kriminal sa Makati RTC at sa Ombudsman laban sa mga taong nangha-harass sa mga miyembro ng Sodjobel. "We have reasons to believe that not just one person, but a conspiracy, is behind the slaying of our comrade," ayon kay Rafael Dulay, vice president ng Sodjobel.

Show comments