Counting machines isoli SC
August 24, 2006 | 12:00am
Pinababalik ng Supreme Court (SC) sa Comelec ang mga Automated Counting Machines (ACM) na binili mula sa Mega Pacific Consortiums (MPC) at maging ang pondo ng pamahalaan na ipinambili dito. Ibinasura ng SC ang motion na inihain ng abogado ni Pangulong Arroyo na si Atty. Romeo Macalintal, kung saan sinabi ng Korte na pinal na ang naging desisyon nito noong January 13, 2004 kaya wala ng apela na dapat pang dinggin at talakayin ang Korte sa naturang usapin. "The ACMs were not good enough for either the 2004 national elections or for the 2005 ARMM polls; why should they be good enough for 2007 elections, considering that nothing has been done to correct the legal, jurisprudential and technical flaws underscored in our final and executory decision" anang SC sa resolution nito. Nasa kustodiya pa rin ng Comelec ang mga counting machines kaya binalaan ito ng SC na kung hindi ibabalik ay papanagutin. (Grace dela Cruz)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended