Ayon kay AFP-PIO chief Lt. Col. Bartolome Bacarro, ang hakbang ay bahagi ng inilatag na security blanket upang mapalakas pa ang anti-terrorism campaign partikular na sa mga tinaguriang pinamumugarang lugar ng mga terorista sa rehiyon ng Mindanao.
Sa kasalukuyan, sinabi ni Bacarro na nananatili pa rin sa heightened alert ang Mindanao Region habang patuloy naman ang dragnet operation laban kina Abu Sayyaf chieftain Khadaffy Janjalani at mga hinihinalang miyembro at lider ng Jemaah Islamiyah terrorist na kinakanlong ng mga ito sa lalawigan ng Sulu.
Kabilang sa mga sinasanay ngayon sa "bomb detection" ay ang mga tauhan ni Lt. Col. Jorge Lomboy III ng 2nd Mechanized Infantry Battalion at Light Armored Brigade sa pangunguna ni Lt. Cheery Flores Tuabas, pawang ng Phil. Army. (Joy Cantos)