Epidemya sumiklab na sa Guimaras!
August 19, 2006 | 12:00am
Nagsimula na umanong magkaroon ng "outbreak" ng ibat ibang uri ng malulubhang sakit sa Guimaras Island matapos na ilang residente na ang tinamaan ng sakit sa sikmura at baga dahil sa kontaminasyon sa kanilang inuming tubig at hangin dulot ng patuloy na paglala ng oil spill buhat sa lumubog na oil tanker na inarkila ng Petron Corp.
Marami sa mga residente ngayon ang iniulat na nakakaranas ng matinding pagkahilo, pananakit ng ulo, hika at pagtatae dulot ng paglanghap sa mabahong amoy ng langis at pagkakontaminado na ng iniinom nilang tubig.
Nanganganib ring magkaroon ng pagkagutom ang pamilya ng libu-libong mangingisda matapos mag-umpisa nang magsilutang ang mga patay na isda at iba pang lamang-dagat sa baybayin ng Guimaras Island dahil sa dalawang pulgadang kapal ng langis na nakakulapol sa ibabaw ng tubig.
Umaabot na sa 3,000 pamilya sa bayan ng Nueva Valencia at Sibunag ang hindi na makapanghuli ng isda kung saan pangunahing ikinabubuhay ay pangingisda.
Kasalukuyang nagpadala naman ng "relief goods" ang lokal na pamahalaan ng Guimaras sa mga apektadong pamilya para sa pang-araw-araw na makakain ngunit kakailanganin pa ang dagdag na tulong buhat sa pamahalaan.
Pinagtutulungan naman ngayon ng pinagsanib na puwersa ng Phil. Coast Guard, Navy, DENR at Petron ang isinasagawang paglilinis sa karagatan ngunit inaasahan na tatagal pa ng maraming buwan hanggang hindi naiaahon ang MT Solar I na lumubog may 3,000 talampakan sa Guimaras Strait nitong Agosto 12.
Dalawang eksperto buhat sa London, England na inarkila ng Sunshine Maritime Corp., may-ari ng MT Solar I, ang dumating na sa bansa upang magsagawa ng pag-aaral sa bahagi ng dagat na nilubugan ng tanker. Dito aalamin ang mga paraan kung paano maiaahon ang naturang tanker sa lalong madaling panahon upang maiwasan ang pagsabog ng mga natitirang tangke nito na naglalaman ng malaki pang bahagi ng 2 milyong litrong langis.
Kapwa nangako naman sina Tito Concio, may-ari ng Sunshine Maritime Corp. at Petron Chairman Nick Alcantara na sasagutin nila lahat ng gastusin sa isinasagawang paglilinis at maging sa nasirang ari-arian sa mga apektadong lugar. (Danilo Garcia/Angie dela Cruz/Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am