^

Bansa

Magna Carta for Journalists hiling suportahan

-
Hiniling ni Sen. Jinggoy Estrada sa mga mamamahayag na suportahan ang kanyang panukalang Magna Carta for Journalists para makagawa ng isang batas na naglalayong protektahan ang mga newsmen at pamilya ng mga ito. Ayon kay Sen. Estrada, napapanahon na para mapabilis ang pagsasabatas nito bunsod na rin ng sunod-sunod na pag-atake sa mga mediamen at ang pagkamatay naman ng buong News Team ng ABC 5 sa isang aksidente.

Idinagdag ni Estrada na dapat umpisahan na ni Sen. Ramon Revilla Jr., chairman ng Senate committee on public information ang public hearing hinggil sa kanyang panukala. Ikinasa ng mambabatas ang kanyang panukala noong nakaraang taon makaraan ang sunud-sunod na patayan sa hanay ng mga mamamahayag. "Journalists are the watchdogs of the society whose duty is to expose corruption and abuses in the government and private sector, and the duty of the Congress is to protect the guardians of truth," paliwanag ni Estrada. (Rudy Andal)

AYON

HINILING

IDINAGDAG

IKINASA

JINGGOY ESTRADA

MAGNA CARTA

NEWS TEAM

RAMON REVILLA JR.

RUDY ANDAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with