Ayon kay Camarines Sur Rep. Luis Villafuerte, isusulong nila ang agarang pagpasa ng panukalang batas 4701 upang mapaglaanan ng pondo sa 2007 budget at maipatupad na sa susunod na taon.
Sa ilalim ng panukala, ang English ang siyang gagawing pangunahing medium of instruction. Ipapahintulot lamang ang paggamit ng regional o native language bukod sa Ingles bilang medium of instruction sa lahat ng subject mula pre-school hanggang Grade 2.
Pagtuntong ng Grade 3 hanggang 6, maging ang apat na taon sa highschool, ang medium of instruction ay Ingles sa lahat ng subject maliban lamang sa subject na Pilipino.
Itataas rin ang time allotment para sa Ingles sa 500 minutes kada linggo para sa Grade 1 hanggang 3 at 600 minutes o 10 oras naman sa Grade 4 hanggang 6.
Sa high school, ang pagtuturo ng Ingles ay palalawigin din ng 10 oras sa loob ng isang linggo habang ang time quota para sa Filipino sa ilalim ng kasalukuyang curriculum ay mananatili pa rin sa dati.
Maging ang medium of instruction sa tertiary, maging sa technical at vocational schools ay Ingles maliban lamang sa Pilipino subject. (Malou Escudero)