Sinabi pa ni Gonzales, chairman ng Partido Demokratiko Sosyalista ng Pilipinas (PDSP), ang karapatang pantao ay pandaigdigang usapin at lahat ng tao o grupo ay obligadong irespeto ito.
"The soldiers attacked by the rebels were not only out of combat situation; they were in a rescue operation, helping put to safety thousands of peasant families," wika pa ni Gonzales.
Aniya, hindi naman umano patas na ibato kaagad sa mga tao ng gobyerno ang mga hindi pa nareresolbang mga kaso ng extra-judicial killings dahil may mga indikasyon naman na ang mga may kagagawan nito ay ang mga rebeldeng tulad ng mga NPA.
Ayon naman kay Beth Angsioco, Aksiyon Sambayanan secretary general, nangyari ang nasabing insidente sa lugar na may kalamidad kung saan ay tumutulong lamang ang mga sundalo kayat dapat lamang na ito ay kondenahin.
"If the CPP-NPA has any regard for the people safety, they should allow the military to do their rescue work unhampered," pahayag pa ni Angsioco.
Binatikos din ni Sen. Ramon Revilla Jr. ang ginawang patraydor na pag-atake ng NPA sa mga sundalo na tumutulong sa paglilikas ng mga residente sa Albay.