Villar, JDV nangangampanya para sa PM?
August 12, 2006 | 12:00am
Nagsisimula na umanong mangampanya sa mga kongresista sina Senate President Manuel Villar Jr. at House Speaker Jose de Venecia para maging Prime Minister kapag natuloy ang Charter Change (cha-cha).
Ayon kay Nueva Ecija Rep. Rodolfo Antonio ng Kampi, nagsisimula nang magsagawa ng konsultasyon si Sen. Villar sa ilang mga kongresista habang nagsasagawa din ng loyalty check si Speaker de Venecia sa kanyang mga kasamahan sa LAKAS-NUCD-CMD.
Ibinunyag pa ni Rep. Antonio, sa ibang bansa pa umano kinukumbida ni Villar, pangulo ng Nacionalista Party, ang mga kongresista para makipagpulong.
Pinayuhan naman si de Venecia ng ilang kasamahan nito na siguruhing tapat sa kanya ang mga miyembro nito sa Lakas dahil baka sumuporta ang mga ito kay Villar kapag nagkaroon ng pagbabago sa sistema ng gobyerno.
Matatandaan na tinangka na ring agawin ni Surigao del Sur Representative Prospero Pichay mula kay de Venecia ang liderato ng Mababang Kapulungan kahit magkasama sila sa partido. (Malou Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest