Rescue ships na pa-Beirut delikado sa pirata

Nangangamba ang Philippine Coast Guard (PCG) sa kanilang ‘rescue mission’ para sa ating mga OFW’s sa Lebanon dahil baka maharang sila ng mga pirata sa Indian Ocean.

Iniutos tuloy ni PCG Commandant Vice-Admiral Arthur Gosingan na armasan ng 50-caliber machine gun ang BRP Pampanga at BRP Batangas at bigyan ng M-16 rifles ang mga crew members ng 2 barko upang maipagtanggol nila ang kanilang sarili sakaling atakihin sila ng pirata sa paglalayag sa Indian Ocean at Malaca Strait.

Ang dalawang barko ay nakatakdang umalis bukas patungong Beirut kung saan ay inaasahang tatagal ng 15 araw ang kanilang paglalayag upang mailikas ang ating mga OFW’s na nasa Lebanon para dalhin sa Syria, Cyprus, Turkey o Egypt bago sila isakay sa eroplano pauwi ng Pilipinas.

Pinag-aaralan naman ng Malacañang ang panukala ni Sen. Aquilino Pimentel Jr. na gamitin ang mga super ferry ship sa paglilikas sa mga OFW’s. (Danilo Garcia/Lilia Tolentino)

Show comments