Ayon kay DFA Undersecretary Esteban Conejos, kabilang sa binomba sa air strikes ng Israel ang tulay sa Tripoli at Jonnich na nag-uugnay sa border ng Lebanon at Syria.
Dahil sa pangyayari, sinabi ni Special Envoy Roy Cimatu na naantala ang ginagawang paglilikas ng mga Pinoy workers patungong Syria na bumibiyahe sa pamamagitan ng bus mula Beirut patungong Damascus.
Sinabi pa ni Cimatu, posibleng ilikas na lamang ang mga OFWs sa pamamagitan ng barko patungong Cyprus, Greece o Turkey matapos masira ang tulay na dadaanan patungong Damascus.
Wika naman ng DFA, puwede ding gamiting ruta ang 4th options na mula Beirut patungong Mersan sa Syria o ang ikalimang options na magpadala ng barko mula Pilipinas na maglalayag sa Malaca Strait patungong Indian Ocean hanggang Arabian sea, Red sea saka dadaong sa Beirut. (Ellen Fernando)