^

Bansa

Evacuation ng mga OFW’s naantala, 3 tulay pinasabog sa Lebanon

-
Naantala ang paglilikas sa mga OFW’s mula Beirut patungong Syria matapos bombahin ng mga Israeli forces ang mga tulay sa Southern Beirut, Syria.

Ayon kay DFA Undersecretary Esteban Conejos, kabilang sa binomba sa air strikes ng Israel ang tulay sa Tripoli at Jonnich na nag-uugnay sa border ng Lebanon at Syria.

Dahil sa pangyayari, sinabi ni Special Envoy Roy Cimatu na naantala ang ginagawang paglilikas ng mga Pinoy workers patungong Syria na bumibiyahe sa pamamagitan ng bus mula Beirut patungong Damascus.

Sinabi pa ni Cimatu, posibleng ilikas na lamang ang mga OFW’s sa pamamagitan ng barko patungong Cyprus, Greece o Turkey matapos masira ang tulay na dadaanan patungong Damascus.

Wika naman ng DFA, puwede ding gamiting ruta ang 4th options na mula Beirut patungong Mersan sa Syria o ang ikalimang options na magpadala ng barko mula Pilipinas na maglalayag sa Malaca Strait patungong Indian Ocean hanggang Arabian sea, Red sea saka dadaong sa Beirut. (Ellen Fernando)

vuukle comment

AYON

CIMATU

DAHIL

ELLEN FERNANDO

INDIAN OCEAN

MALACA STRAIT

PATUNGONG

SOUTHERN BEIRUT

SPECIAL ENVOY ROY CIMATU

UNDERSECRETARY ESTEBAN CONEJOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with