Mike Arroyo walang paki sa amin RPN-9
August 4, 2006 | 12:00am
Nagpahayag ng pagkairita ang pamunuan ng RPN-9 sa mga paratang na diniktahan sila ni First Gentleman Mike Arroyo sa pagsibak sa programa ng bantog na Tulfo Brothers.
Ayon sa isang executive ng naturang TV network, walang panlabas na puwersang puwedeng magdikta rito at ang pagkakaalis sa programang "Isumbong Mo" ay "purely business decision" dahil sa umanoy mababang rating nito. Iyan ang dahilan, anang management kung bakit hindi na ni-renew ang kontrata para sa airing ng palatuntunan.
Ayon sa management ng nasabing television network, ang programang kinatatampukan ng magkakapatid na Mon, Erwin at Raffy Tulfo sa RPN Channel 9 ay hindi nakakuha ng magandang rating kaya hindi na praktikal na magpirmahan pa sila ng bagong kontrata ukol sa pag-eere nito.
Walang kinalaman si First Gentleman Mike Arroyo sa pagkakatanggal ng programang Isumbong Mo Sa Tulfo Brothers sa RPN 9 at walang attempt na kami ay maimpluwensiyahan, pahayag ng isang executive ng nasabing network.
"Lets not put political color on this one because its a purely business decision made by the management, such a painful decision in fact for us because the Tulfos especially Mon with his `Isumbong has been with us for such a very long time already" dagdag ng TV executive na humiling ng anonymity.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest