FVR hinarap si Miriam sa Masinloc issue
August 4, 2006 | 12:00am
Hindi inurungan ni dating Pangulong Ramos ang ginawang paggisa dito ni Sen. Miriam Defensor-Santiago sa kanilang paghaharap kahapon sa Masinloc power plant deal investigation ng Joint Congressional Power Commission (Powercom).
Itinanggi ni Ramos sa pagharap nito sa Powercom na pinamumunuan ni Sen. Santiago na kakilala niya ang mga opisyal ng YNN Pacific Consortium Inc. at Ranhill Berhad Power Corporation.
Sinabi ni FVR, lalong hindi siya ang naging daan upang mabigyan ng extension ang pagbabayad ng $226 milyong downpayment ng YNN para sa 600-megawatts Masinloc power plant.
Inimbitahan ni Santiago si Ramos matapos lumutang ang pangalan nito na umanoy naging padrino ng YNN para mapalawig ang pagbabayad ng downpayment nito.
Nilinaw naman ni Finance Secretary Margarito Teves na hindi extension ang ibinigay sa YNN kundi "winding down period" mula July 6 hanggang August 6 upang makabayad ng downpayment at kapag nabigo sila ay mangangahulugan na ng termination ng contract.
Iginiit naman ng JCPC sa Power Sector Assets and Liabilities Management (PSALM) na agaran na nitong kanselahin ang kontrata ng YNN-Ranhill Berhad matapos mabigo silang magbayad ng downpayment at kumpiskahin na lamang ang ibinayad nitong $14 milyong bond. (Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest