Owner ng emission test center, hinamon ni Lontoc
August 1, 2006 | 12:00am
Hinamon ni Land Transportation Office (LTO) Chief Anneli Lontoc ang isang Cookie Locsin, owner ng Wealth emission test center na patunayan nito ang alegasyon na mayroon silang sabwatan sa pamunuan ng Private Emission Test Center Operators Association (PETCOA) sa implementasyon ng emission testing sa bansa.
Hiniling ni Lontoc kay Locsin na patunayan ang mga alegasyon nito laban sa kanya kung tahasang may namagitang pagpabor niya sa isang emission test center.
Anya, bago maisyuhan ng LTO authorization ang isang PETC kailangan ito ay dumaan sa akreditasyon ng Dept. of Trade and Industry (DTI) at ito naman ay isang requirement para maisyuhan ng LTO authorization to operate. Kaugnay nito, nilinaw naman ni Malou Rosete ng LTO PETC monitoring head, base sa rekord ng ahensiya, mula taong 2004 ay walang LTO authorization ang Wealth emission test center. Ito anya ay irerekomenda na kay Assec Lontoc para sa kaukulang pagsuspinde sa operasyon. (Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest