^

Bansa

RCBC maglalabas ng P300-M halaga ng ari-arian sa kanilang 2nd auction

-
Dahil sa magandang pagtugon ng merkado sa unang public auction, nakatakdang ganapin ang sale ng RCBC sa August 3, 2006 kung saan tinatayang P300 milyong halaga ng mga foreclosed real estate properties ang kabilang sa auction. Ang Global real estate service provider, CB Richard Ellis ang magsisilbi bilang auction manager.

Ayon kay RCBC Senior Vice President at Asset Management Group Head Adeline Carbonell, ang mga naturang auctions ay kabilang sa stratehiya ng banko upang ma-liquidate ang kanilang inventory ng real and other properties acquire (ROPAs). Ang iba pang asset disposal schemes ay ang public sealed bidding, SPVs at joint venture arrangements.

Umabot sa P40M na properties ang nabenta ng RCBC sa ginanap na unang auction noong Mayo at dumami ang benta sa gitna ng patuloy na katanungan mula sa interesadong bumili.

Sa ikalawang auction, inaasahan ng RCBC na makakuha ng mas madaming buyers dahil sa bilang at mas magandang properties na ihahandog. Karamihan sa mga properties ay residential lots sa Quezon City, Makati City, Parañaque City, Muntinlupa City at sub-urban areas ng Cavite.

Ang mga naturang auctions ay kabilang sa serye ng auctions upang maging performing revenue-generating ang mga ito. Ang malilikom na kabuuan ay inaasahang aabot ng P400M para sa taong 2006.

Ang mga susunod na auction para sa taong 2006 ay gaganapin sa iba’t ibang lugar sa ating bansa at ito ay ang mga sumusunod: Bulacan at Tarlac (September); Nueva Ecija at Bacolod (October); Mindanao (November at Metro Manila (December). Para sa karagdagang impormasyon, tumawag lamang sa RCBC Asset Management Group sa 894-9908.

ANG GLOBAL

ASSET MANAGEMENT GROUP

ASSET MANAGEMENT GROUP HEAD ADELINE CARBONELL

MAKATI CITY

METRO MANILA

MUNTINLUPA CITY

NUEVA ECIJA

QUEZON CITY

RICHARD ELLIS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with