Dayaan sa nursing exam, sisilipin ng Kamara
July 28, 2006 | 12:00am
Nakatakdang ipatawag ng Kamara ang mga opisyal ng Philippine Regulatory Commission (PRC) at Board of Nursing (BON) upang magpaliwanag hinggil sa sinasabing dayaan sa ibinigay na nursing exam noong Hulyo 11 at 12.
Magsasagawa ng imbestigasyon ang House committee on good government hinggil sa nasabing dayaan sa nursing exam upang matukoy ang mga dapat managot sa pagkakaroon ng leakage sa nasabing pagsusulit.
Aminado naman ang ilang opisyal ng PRC at BON na nagkaroon ng paunang impormasyon ang mga estudyante sa isang review center sa magiging laman ng kanilang examination para sa subject na medical surgical nursing at pyschiatric nursing.
Aalamin din ng komite na mag-iimbestiga sa nasabing dayaan sa board exam kung kinakailangan nang rebisahin ang nilalaman ng Nursing Act of 2002 at ng PRC Modernization Act of 2000. (Malou Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended