^

Bansa

27.3% ng rehistradong sasakyan 'di dumaan sa emission test — LTO

-
Umaabot sa may 27.30 percent o may kabuuang 1,311,230  mga private at public utility vehicles sa buong bansa ang hindi dumaan sa emission testing ng pamahalaan.

Ito ang lumabas na report  mula sa Land Transportation Office-Management information division (LTO-MID) mula sa may kabuuang 4,810,191 mga sasakyan na nairehistro sa LTO nationwide  noong 2005.

Bunsod nito, umaabot lamang sa 3,498,961 mga sasakyan sa buong bansa ang nasuri ang usok ng mga sasakyan at sumailalim sa inspection ng LTO Motor vehicles inspection section at mga  private emission test center sa buong bansa.

Sa nakalap na report, nanguna sa non appearance ang  region 12 sa Mindanao kasunod ang Caraga region; region 7; region 2; region 4; National Capital Region; region 8 habang ang region 11 lamang ang may pinaka mababang non appearances.

Sa ilalim ng batas, ang lahat ng sasakyan na irerehistro sa LTO ay dapat dumaan sa emission test upang matiyak kung  ito ay hindi nagbubuga ng maduming usok na siyang no. 1 polluntants ngayon sa bansa.

Bunsod nito, nagbanta si LTO Chief Anneli Lontoc sa mga tauhan nito na kanyang parurusahan ang mga ito sakaling mapatunayang may kinalaman sa irregularidad at non-appearances sa pagsasailalim sa emission testing ng mga nairerehistrong sasakyan sa  bansa

Sinabi pa ni Lontoc na ito anya ang dahilan kung  bakit dapat nang magkaroon ng interconnectivity ang LTO sa mga petcs upang maglaho na ang korapsiyon at anomalya hinggil dito. (Angie dela Cruz)

vuukle comment

ANGIE

BUNSOD

CARAGA

CHIEF ANNELI LONTOC

CRUZ

LAND TRANSPORTATION OFFICE-MANAGEMENT

NATIONAL CAPITAL REGION

REGION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with