Ayon kay Atty. Domingo Alidon, pangulo ng may 40,000 miyembro ng DepEd Union, limang kondisyon ng unyon ang kanilang ilalatag, una ay walang halong pulitika sa gagawing pagpapatakbo sa DepEd, irespeto ang karapatan ng public sector unionism at ang agreement sa collective negotiations, transparency ng representasyon sa ibat ibang komite ng DepEd, propesyonal na paghawak at pagpapatakbo ng ahensiya at pagpapatuloy ng ginawang reporma na pinalitan ng kalihim.
Ayon naman kay Lapus, payag siya sa mga kondisyones. Anya, kaya niyang patakbuhin ang nasabing tanggapan, bigyan lang siya ng pagkakataon.
Tutol ang grupo ni Alidon sa pagkakahirang ni Lapus at nagbanta ng sunud-sunod na protesta at pagharang dito sa araw na uupo ito sa Agosto 1. (Edwin Balasa)