Sex education dapat daw ituloy ng DepEd
July 21, 2006 | 12:00am
Uumpisahan na ng ilang grupo ang pangangalap ng mga lagda upang tuluyan ng maisama ng Department of Education (DepEd) sa kurikulum ng public high schools ang sex education.
Sinabi ni Beth Angsioco, chairman ng Democratic Socialist Women of the Philippines (DSWP), tutulong rin ang Philippine Women Legislators Committee on Population and Development sa pangangalap ng mga lagda upang maituro sa mga kabataan ang reproductive health at pagiging responsableng magulang.
Ayon naman kay Sunny Cortes, lider ng of Aksyon LGBT o Lesbians, Gays, Bisexuals at Transexuals, walang dahilan ang DepEd upang hindi maituloy ang nasabing aralin dahil marami sa mga kabataan ang natututo sa usaping sekswal sa maling paraan.
Umaasa naman ang DSWP na makikiisa rito ang DepEd, aniya ito ay para na rin sa kapakanan ng mga kabataan upang malaman ang kahihinatnan ng kanilang karanasan sa usaping "sekswal" kung saan lumalabas na 31 porsiyento ng mga lalaki habang 16 porsiyento naman ng mga babae ang namumulat sa pre-marital sex sa murang edad. (Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest