^

Bansa

Mga katutubo pumirma na rin sa impeachment

-
Maging ang mga katutubong Lumad, Mangyan, Aeta at Remon-tado ay lumagda na rin kahapon sa impeachment complaint laban kay Pangulong Arroyo.

Nakabahag lang na nagtungo kahapon sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang apat na kinatawan ng mga nabanggit na tribu na inireklamo ang 70 kaso ng pamamaslang sa mga katutubo sa ilalim ng gobyernong Arroyo.

Ang tribung Lumad ay nagmula sa Mindanao, ang mga Aeta o Ita ay mula sa Central Luzon, samantala ang mga Mangyan at Remon-tados ay buhat sa Southern Tagalog.

Ayon kay Himpad Mangumalas, spokesman ng Katutubong Mamamayan ng Pilipinas at mula sa lahing Mangyan, si Pangulong Arroyo umano ang numero unong "human rights violators" ng mga katutubo. Sapat na anyang dahilan ang pagpatay sa 70 katutubo para hingin nila na bumaba na ito sa puwesto.

Ang reklamo ay ihahain sa susunod na linggo sa muling pagbubukas ng regular session. (Malou Escudero)

vuukle comment

AETA

CENTRAL LUZON

HIMPAD MANGUMALAS

KATUTUBONG MAMAMAYAN

LUMAD

MABABANG KAPULUNGAN

MALOU ESCUDERO

MANGYAN

PANGULONG ARROYO

REMON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with