Para sa OFWs sa Lebanon: P150-M rescue fund
July 21, 2006 | 12:00am
Nagpalabas na ang Budget Department ng P150 milyong pondo para magamit sa paglilikas ng mga Pinoy workers na naiipit sa tumitinding bakbakan sa Lebanon.
Ayon kay Budget Secretary Rolando Andaya, Jr. ang pondo ay karagdagan sa inisyal na $500,000 na ipinalabas mula sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).
Sa kasalukuyan ay makapigil-hininga at matinding takot ang nararanasan ng may 192 OFWs na naglalakbay mula Beirut patungong Damascus, Syria.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), walang military escort ang 192 Pinoy na sakay ng mga bus palabas ng Beirut subalit parehong nakikipag-ugnayan ang embahada ng Pilipinas sa Israel at Lebanese government na huwag sasaktan o pauulanan ng bomba ang mga bumibiyaheng Pinoy.
Nabatid sa DFA na lalagyan ng mga tanda o marka ang mga bus kung saan lulan ang mga Pinoy upang hindi sila targetin ng Israel at Lebanon troops.
Mula sa Syria ay tutulak patungong Dubai ang 192 sakay ng eroplano saka muling sasakay ng eroplano papuntang Maynila.
Nilinaw ni DFA Usec. Esteban Conejos na 192 na lamang ang uuwi mula sa 200 first batch matapos magbago ang isip ng walo at nagpahayag na ayaw na nilang umuwi sa Pilipinas.
Inatasan na ng Vatican ang archbishop ng Beirut para magbigay ng assistance sa mga Pinoy habang nakikipag-coordinate na rin ang Pilipinas sa mga embahada ng Amerika, France at Italy para magbigay na rin ng tulong sa mga evacuation. Tatlong simbahan ang tinutuluyan ngayon ng mga Pinoy sa Lebanon.
Libo-libong foreign nationals na ang nailikas ng kani-kanilang mga bansa, pero di gaya ng US, Britain at iba pang mayayamang bansa ay limitado ang kagamitan ng Pilipinas kaya naging mabagal ang pagsagip sa kanila.
Nabatid na ang Canada ay mayroong 40,000 nationals, 25,000 US citizens, 22,000 Britons at 30,000 Pinoys.
Kung ililikas ang 30,000 OFWs ay mangangailangan ang Pilipinas ng 500 bus, o kayay 30 barko o di kayay 75 eroplanong 747 para silay maiuwing lahat.
Sa 30,000 OFWs na nasa Lebanon, 25,000 ay nagtatrabaho bilang mga domestic helpers. Kung isasama ang mga undocumented, aabot sa 40,000 ang Pinoy doon.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 14, 2024 - 12:00am
November 13, 2024 - 12:00am