^

Bansa

P1.5-M reward sa tipster ng Magdalo nakubra na

-
Instant millionaire ang tipster ng anim na nasakoteng miyembro ng Magdalo group na nahuli kamakailan sa Filinvest II, Quezon City.

Ayon kay PNP Chief Deputy Director General Oscar Calderon, naibigay na ang reward na P1.5M sa nagturo sa kinaroroonan nina Capt. Nathaniel Rabonza, 1st Lieutenants Sonny Sarmiento at Patricio Bumidang Jr. na pawang may nakalaang tig-P500,000 milyong reward.

Samantala, bagaman kasama rin sa mga nasakote sina Lt. Angelbert Gay, 2nd Lt. Aldrin Baldonado at Lt. Kiram Sadava ay wala ang mga itong reward dahil hindi sila aktuwal na kasama sa Oakwood mutiny noong Hulyo 27, 2003 pero ang mga pangalan ay nasa listahan ng manifesto ng diumano’y mga rebeldeng sundalo.

Ayon kay Calderon, malaki ang naitulong ng nasabing tipster para mahuli ang mga Oakwood mutineer at masupil ang banta ng destabilisasyon na posibleng pinaplano pa ng grupo at ng mga kasabwat ng mga ito upang ibagsak ang administrasyon. (Joy Cantos)

vuukle comment

ALDRIN BALDONADO

ANGELBERT GAY

AYON

CHIEF DEPUTY DIRECTOR GENERAL OSCAR CALDERON

JOY CANTOS

KIRAM SADAVA

LIEUTENANTS SONNY SARMIENTO

NATHANIEL RABONZA

PATRICIO BUMIDANG JR.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with