Iginiit ni Pimentel na sakaling magkatotoo ang balak ng Tsina, dapat ang maging pangunahing makikinabang nito ay ang mga pamilya na naapektuhan ng North Rail Project na ginastusan ng Tsina ng halagang $400M.
Ayon naman kay de Venecia ang panukalang pabahay ng Tsina ay "anti-typhoon, anti-earthquake at anti-termite at ang materyales nito ay mas mura kumpara sa mga inangkat mula sa Europa at Amerika.
May natanggap na reklamo si Pimentel mula kay Bishops Jose Oliveros ng Bulacan na libu-libong mga mahihirap ang nawalan ng tahanan ng ipatupad ang proyektong ito mula Caloocan City hanggang Malolos, Bulacan.
Nilinaw naman ni Northrail president Jose Cortes Jr. na ang mga lehitimong pamilya na naapektuhan sa Northrail project ay mayroong ibinigay na in-city relocation site na pinamahalaan mismo ni Vice Pres. Noli de Castro ng Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) at National Housing Authority (NHA) batay na rin sa isinagawang census dito. Nanawagan din si Mr. Cortes sa mga local officials na tulungan ang Northrail na bantayan ang kanilang nilinis na riles upang hindi na muling makapagtayo ang mga professional squatters tulad ng pagtatangka sa Meycuayan, Bulacan. (Rudy Andal)