P30-M libel resbak ni Erap kay Joelle
July 8, 2006 | 12:00am
Nakatakdang sampahan ng P30 million libel suit ni dating Pangulong Estrada ang dating beauty queen na si Joelle Pelaez, ang ina nitong si Blanquita at ang publisher, editor at reporter na naglabas ng balita hinggil sa umanoy P2.7 bilyong money laundering activity ng dating lider.
Sinabi ni Estrada na gusto niyang personal na isampa ang reklamo sa Manila Prosecutors Office kaya inatasan na nito ang kanyang mga abogado na maghain ng mosyon sa Sandiganbayan upang payagan siyang makalabas sa kanyang kulungan sa Tanay, Rizal.
Maliban sa libel, kakasuhan din ang batang Pelaez ng malicious prosecution dahil sa walang basehang mga akusasyon.
Malaki naman ang paniniwala ni Estrada na ginagamit lamang ng ilang pulitiko si Joelle para sirain ang kanyang kredibilidad. (Angie dela Cruz/Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended