Revamp sa PNP umarangkada
July 7, 2006 | 12:00am
Tatlong heneral ang umangat ng posisyon sa unang bugso ng malawakang pagbalasa na ipinatupad ng bagong hirang na si PNP Chief Gen. Oscar Calderon.Itinalaga ni Calderon si Deputy Director General Avelino Razon Jr., bilang acting Deputy Chief of Administration at mananatili rin ito bilang hepe ng Task Force USIG.
Si deputy Director Gen. Isidro Lapeña ay inilagay naman sa ikatlong pinakamatas na puwesto sa PNP bilang acting Deputy Chief for Operations habang si Director Antonio Billones ay OIC ng Directorial Staff at Director for Operations.
Ang naturang mga sensitibong posisyon ang makakaagapay ni Calderon sa pagsulong nito ng reporma sa PNP. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest