Libel vs ex-beauty queen ipinoporma ni Erap
July 5, 2006 | 12:00am
Nakatakdang maghain ng kasong libelo si dating Pangulong Estrada laban sa isang dating beauty queen dahil sa alegasyon ng huli na panggagamit umano sa pangalan nito upang makapangulimbat ng bilyong halaga ng "nakaw na yaman".
Ayon kay Estrada, matinding akusasyon ang ibinabato sa kanya ni Joelle Marie Palaez kaya kasong libelo ang itatapat niya rito.
Sinabi ni Erap na 5-taon na siyang nakapiit at tapos na rin siyang makapagbigay ng testimonya sa Sandiganbayan hinggil sa kinakaharap na kasong plunder kaya bakit ngayon lamang lumulutang si Pelaez.
Itinanggi ni Erap na niligawan niya si Pelaez at sinasabing si Ilocos Govt Chavit Singson ang talagang may kursunada dito. Taliwas naman ito sa pahayag ng beauty queen.
Naniniwala si Erap na si Gov. Singson ang posibleng nasa likod ng paglantad ni Pelaez upang siya ay idiin.
Ani Pelaez, natuklasan lamang niya na ginagamit ang kanyang pangalan ng mabigo siyang makakuha ng loan sa bangko at nang simulang i-foreclose ng United Coconut Planters Bank (UPCB) ang kanyang mga assets.
Dahil dito, nagsampa ng P500 milyong lawsuit si Pelaez laban kina San Miguel Corp. President Ramon Ang; dating UPCB bank president Lorenzo Tan, UCPB chief executive Jeronimo Kilayko at vice presidents Alfredo Bautista at Rafael Bueno Jr.; at umanoy cronies ni Estrada na sina Jaime Dichavez, Jimmy Borromeo at Robert Sobprepeña. (Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended