Calderon, bagong PNP chief
July 5, 2006 | 12:00am
Pormal nang hinirang ni Pangulong Arroyo si PNP Deputy Director General for Administration Oscar Calderon bilang bagong hepe ng Philippine National Police kapalit ng magreretirong si Director Gen. Arturo Lomibao.
Ayon kay Press Secretary Ignacio Bunye, si Calderon ang napili mula sa hanay ng mga isinumiteng talaan ng mga contenders na kuwalipikado sa puwesto at may suporta ng kanyang mga kasamahan sa PNP.
"I thanked President and Commander-in-Chief Gloria Macapagal Arroyo for her trust and confidence in me as the next chief of the 120,000-strong PNP. I will not fail her. Rest assured that within my 15-month stint as head of the PNP. I will work on enhancing the dignity, honor and pride of every policeman in the country," ani Calderon sa press briefing sa Camp Crame.
Ngayong araw pormal na isasalin ni Lomibao ang posisyon kay Calderon sa gaganaping turn-over ceremony sa Crame na dadaluhan mismo ng Pangulo.
Si Lomibao ay magreretiro ngayon matapos sumapit sa mandatory age retirement na 56-anyos.
Si Calderon, miyembro ng PMA Class 1973 ang No.2 man ng PNP. Pinamunuan nito ang Police Anti-Crime and Emergency Response (PACER) na umiskor laban sa kidnap-for-ransom gang.
Sinabi naman ni Bunye na wala siyang personal na impormasyon kung si Calderon ay kamag-anak ni First Gentleman Mike Arroyo kaya ito nahirang sa puwesto.
Top contender din sa posisyon sina Deputy Director General Avelino Razon at National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Director Vidal Querol.
Bibigyang solusyon ni Calderon ang street crimes, political killings, kidnappings, anti-terrorism, pabahay at wawalisin ang mga scalawags na nagsisilbing batik sa imahe ng pambansang pulisya. (Lilia Tolentino/Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest