^

Bansa

2 Pinoy na dinukot sa Nigeria laya na

-
Pinalaya na ng mga hinihinalang pirata ang dalawang Pinoy oil worker na binihag noong Hunyo 21 sa Nigeria.

Ayon kay Philippine Ambassador Masanga Umpa sa Nigeria, ang mga pinalaya ay sina Joseph Viloria Doctolero at Pacifico Gajo. Nasa pangangalaga ngayon ito ng ating embahada sa Abujah, Nigeria makaraang palayain ng kanilang abductors bandang 3 p.m. noong Linggo sa pamamagitan ng pakikipag-negosasyon ng Petroleum Geo-Services at Nigeria authorities.

Nanindigan naman si Foreign Affairs spokesman Gilbert Asuque na pinalaya ang 2 Pinoy worker na walang ransom na ibinayad sa kanilang mga abductors. Inaasahan namang makakauwi sa bansa sa linggong ito ang 2 Pinoy.

Magugunita na dinukot ang dalawang Pinoy habang sila ay nasa pantalan ng Hardcourt sa Niger Delta ng may anim na armadong kalalakihan na hinihinalang mga pirata.

Bukod sa 2 Pinoy, umabot na rin sa 27 oil workers ang mga dinukot sa Niger Delta ng mga militanteng grupo dito upang hilinging kapalit ang mga naaresto nilang kasamahan. (Ellen Fernando)

ELLEN FERNANDO

FOREIGN AFFAIRS

GILBERT ASUQUE

JOSEPH VILORIA DOCTOLERO

NIGER DELTA

PACIFICO GAJO

PETROLEUM GEO-SERVICES

PHILIPPINE AMBASSADOR MASANGA UMPA

PINOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with