^

Bansa

Mayor JV kulang sa pansin — FG

-
Kulang lamang umano sa pansin si San Juan Mayor JV Ejercito nang sabihin nitong gimik lang ang pagkakasakit ni Pangulong Arroyo.

Ito ang naging reaksiyon kahapon ng kampo ni First Gentleman Mike Arroyo sa patutsada ni Mayor Ejercito na isa lamang political gimik ang pagkakaospital ng Pangulo upang makuha umano nito ang simpatiya ng oposisyon.

"Mabuti naman at sila na mismo ang nagpapakita sa taumbayan ng kanilang tunay na pagkatao," ayon kay Atty. Jesus Santos, tagapagsalita ng Unang Ginoo.

"Isa pa, hindi kami ang artista, kundi ang tatay at kapatid ni Mayor Ejercito kaya sino sa kanila ni Pangulong Arroyo ang umaarte?"

Matatandaang isinugod sa St. Luke’s Medical Center ang Pangulo matapos makaramdam ng pananakit ng tiyan at pagsusuka dulot umano ng huminang resistensiya bunsod na rin ng sobrang pagod at stress.

"Hindi kami bababa sa lebel ng pagkatao nila. kung sila ay kulang sa pansin, kami hindi," sabi pa ni Santos. (Lilia Tolentino)

vuukle comment

FIRST GENTLEMAN MIKE ARROYO

JESUS SANTOS

LILIA TOLENTINO

MAYOR EJERCITO

MEDICAL CENTER

PANGULO

PANGULONG ARROYO

SAN JUAN MAYOR

ST. LUKE

UNANG GINOO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with