Batas sa pagmamaneho ng lasing lusot na sa Kamara
June 25, 2006 | 12:00am
Hindi lamang ngipin kundi pangil na ang inilagay sa panukalang batas na magpapataw ng parusa sa mga driver na nagmamaneho ng lasing.
Lusot na sa Kamara ang panukala nina Reps. Eduardo Zialcita (Parañaque), Solomon Chungalao (Ifugao) at Monico Puentevella (Bacolod City) na naglalayong mabawasan kung hindi man tuluyang masawata ang mga aksidenteng kagagawan ng mga lasing na driver.
Ayon sa batas, ituturing na lasing o nasa impluwensiya ng alak ang isang tao kung ang blood alcohol concentration (BAC) level nito ay 0.65 o mas mataas pa.
Sa ilalim ng panukala, ang lahat ng driver ng anumang uri ng sasakyan na tumatakbo sa kalsada o lansangan na nagpapakita ng alcohol at drug impairment habang nagmamaneho katulad ng "pagewang-gewang" na pagpapatakbo ng sasakyan at hindi pagsunod sa traffic lights, ay maaaring pahintuin o patigilin ng sinumang law enforcement officer at isailalim sa test upang malaman ang BAC level nito.
Ang Department of Health ang magpapahintulot sa test, kabilang na ang standard field sobriety test (SFST) o chemical test sa pamamagitan ng passive alcohol sensors o breath analyzers at iba pang equipment.
Sa unang offense, pagmumultahin ng P1,000 at suspensiyon ng drivers license sa loob ng 30 araw o 30 araw na pagkabilanggo.
Sa 2nd offense, multang P5,000, suspensiyon ng lisensiya sa loob ng 5 taon o 30 araw kulong.
Sa third offense at sa mga susunod pang paglabag, multang P10,000, suspensiyon ng lisensiya sa loob ng 5 taon at 30 araw kulong.
Kung magreresulta sa serious physical injuries ang aksidente dahil sa pagmamaneho ng lasing, ang offender ay mahaharap sa 12-taong pagkabilanggo, multang P100,000-P200,000 at suspensiyon ng lisensiya.
Kapag namatay ang biktima o mahigit pa sa isa ang biktima, habambuhay na pagkabilanggo ang parusa at P1 milyong multa. (Malou Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest