Isasalang sa floor deliberation sa pagbabalik ng sesyon ng Kongreso ang House Bill 3663 na naglalayon ring amyendahan ang Article 99 ng Republic Act 3815.
Ayon kay Pangasinan Rep. Amado Espina, awtor ng panukala, marapat lamang na bigyan ng pantay na oportunidad ng gobyerno ang mga bilanggo sa lahat ng penal institution na nagpapakita ng magandang pag-uugali.
Sa HB 3663, babawasan ang sentensiya ng isang bilanggo ng limang araw sa bawat buwan kung makikitaan siya ng good behavior sa unang dalawang taon ng kanyang pagkakakulong.
Sa ikatlo hanggang ika-5 taon, walong araw ang ibabawas sa kan-yang sentensiya sa bawat buwan at sa ika-6 taon hanggang ika-10 taon, 10 araw naman ang aalisin.
"During the 11th and successive years, a prisoner shall be allowed a deduction of 15 days for each month of good behavior," paliwanag pa ni Espino.
Naniniwala si Espino na maraming bilanggo ang siguradong magpapakabait sa loob upang mabawasan ang kani-lang sentensiya sa sandaling maging isang ganap na batas ang kanyang panukala.
Tatawaging "time allowance" ang araw na ibabawas sa hatol ng mga magpapakabait na bilanggo. (Malou Escudero)