^

Bansa

Sex education sinuportahan ng mga guro

-
Nagpahayag ng suporta ang Alliance of Concerned Teachers (ACT) sa programang Sex Education ng Department of Education (DepEd) para sa mga mag-aaral sa sekondarya. Nanawagan din si Antonio Tinio, ACT president, kay Dep Ed officer-in-charge Fe Hidalgo na huwag magpadala sa pressure ng Simbahang Katoliko at ipagpatuloy ang pagtuturo at pagpapamulat sa mga kabataan ng kaalaman ukol sa sex education.

Matatandaang nagbanta ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) at ilang mga conservative groups na magsasampa sila ng kaso sa Ombudsman sakaling ipagpatuloy ng DepEd ang kanilang programa hinggil sa sex education.

Nauna rito, sinabi sa sulat ni Dr. Angelita Aguirre, head of Human Life International, attached agency ng CBCP’s Episcopal Commission on Family and Life, na sa kanilang pag-aaral, makakaistorbo lamang sa mga estudyante ang pagdaragdag ng sex education.

Samantala, itinanggi naman ni Hidalgo ang akusasyon na ipinapamulat nila sa mga kabataan ang kaalaman sa pre-marital sex dahil na rin sa gagawing pagtalakay sa sex education lalo na sa mga mag-aaral sa high school.

Paliwanag ni Hidalgo na kahit pa kasama sa reproductive health subject sa curriculum ngayong taong ito naman ay tatalakay sa masamang idudulot ng pre-marital sex. "The goal is to discourage, not encourage the act (pre-marital sex)," saad pa nito.

Subalit pinag-utos ni Hidalgo sa isang memorandum ang pagpapatigil sa pamamahagi ng sex education modules sa mga pampublikong paaralan matapos na makaladkad ang ahensiya sa mga negative feedbacks laban sa nabanggit na programa. (Edwin Balasa)

ALLIANCE OF CONCERNED TEACHERS

ANTONIO TINIO

CATHOLIC BISHOPS CONFERENCE OF THE PHILIPPINES

DEP ED

DEPARTMENT OF EDUCATION

DR. ANGELITA AGUIRRE

EDUCATION

EDWIN BALASA

SEX

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with