Residente sa Bulusan Ilikas na! GMA
June 18, 2006 | 12:00am
Pinamamadali na ni Pangulong Arroyo ang paglilikas sa mga pamilyang maaapektuhan sakaling tuluyang sumabog ang bulkang Bulusan.
Kahapon ay personal nang dinalaw ng Pangulo ang lalawigan ng Sorsogon upang alamin kung ano ang mga disaster plan na isinasagawa rito.
Sa isinagawang joint meeting ng Regional Disaster Coordinating Council (RDCC) at Provincial Disaster Coordinating Council (PDCC), inihayag sa Pangulo nina P/C Supt. Victor Boco, chairman ng RDCC at Sorsogon Gov. Raul Lee, chairman ng PDCC na anim na bayan ang apektado - Bulusan, Barcelona, Casiguran, Irosin, Juban at Gubat na pawang malalapit sa bulkan.
Sa pinaka-latest report ng Philippine Volcanology and Seismology (Phivolcs), sinabi ni volcanologist Freddie Reyes na 7 high volcanic quakes ang naitala sa Bulusan sa nakalipas na 24 oras.
Kasabay nito, patuloy ding naitala ng Phivolcs sa bulkan ang pagluluwa nito ng sulfur dioxide na may 458 tonelada sa isang araw samantalang mahina naman ang naitalang steaming activity sa bulkan.
Nananatiling nasa alert level 2 ang Bulusan at patuloy na pinaiiral ang pagpasok ng sinuman sa loob ng 4-kilometer danger zone sa paligid ng bulkan.
Sinabi ni Reyes na bagamat hindi madalas ang pag-aalburoto ng Bulusan ay hindi naman anya dahilan ito para maging kampante ang mga residenteng nakatira sa paligid nito.
Iniulat din ni Reyes na wala naman dapat ipangamba ang mga residenteng nasa paligid ng mga bulkang Taal sa Batangas, Kanlaon sa Negros at Mayon sa Bicol dahil nananatiling nasa alert level 1 ang mga ito at hindi nagbabadya ng anumang panganib ng pagsabog sa kasalukuyan.
Samantala umaabot naman sa 62 barangay at 16,150 pamilya ang maapektuhan sa oras na sumabog ang Bulusan.
Napag-alaman na unang naitala ang pagsabog ng Bulusan noong 1852.
Karamihan sa itinalagang mga evacuation centers ay mga paaralan, simbahan, chapel, barangay hall at munisipyo na pansamantalang tutuluyan ng mga ililikas na mga residente. (Angie Dela Cruz At Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended