Sinabi ni Echiverri na hindi nararapat magtaas ng kanilang pasahe ang pedicab at tricycle dahil wala itong awtorisasyon mula sa pamahalaang lungsod.
Ayon sa alkalde, hindi tamang samantalahin ng mga driver ang kaguluhang nagaganap at ang patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina.
Aniya, masyadong marami nang hirap na pinapasan ang mga mamamayan at hindi ito nararapat patungan pa ng pagsasamantala.
Ipinaliwanag ng alkalde na kung nais ng mga drivers at operators na magtaas ng pasahe ay dapat silang makipag-ugnayan sa Tricycle and Pedicab Regulatory Services sa city hall.
Pinayuhan ng alkalde ang mga residente na kunin ang pangalan ng TODA at body number ng traysikel o pedicab ng umaabusong driver at isumbong sa TPRS upang agad mabigyan ng aksiyon.