^

Bansa

Eleksiyon sa Equitable PCIBank pinauulit ng SC

-
Ipinababago ng Supreme Court (SC) sa Equitable PCI Bank ang resulta ng isinagawang eleksiyon para sa Board of Directors ng nasabing bangko.

Ang kautusan ay makaraang umapela ang kumpanyang Trans Middle East Equities Inc. sa SC dahil hindi sila pinayagan ng Sandiganbayan na bumoto sa annual stockholders meeting ng Equitable PCIBank na ginanap noong Mayo 23 gayong hawak nito ang 7.13 percent na shares ng bangko o katumbas ng mahigit 6 milyong shares.

Ang nasabing shares ay sapat na para makapaglagay ang kumpanya ng isang kinatawan sa board of directors.

Sinabi ng SC na umabuso sa kapangyarihan ang Sandiganbayan nang pagbawalan nito ang Trans Middle East na gamitin ang kanilang shares.

Iginiit ng Mataas na Korte na walang legal na basehan ang naging desisyon ng Sandiganbayan dahil ibinase ito sa isang TRO na inilabas ng SC mahigit 14 taon na ang nakakaraan.

Kuwestiyunable rin ang timing ng desisyon ng Sandiganbayan dahil ipinalabas ito noong Mayo 22, isang araw bago ang stockholders meeting kung kaya’t wala nang pagkakataon pa ang Trans Middle East na iapela ang desisyon. (Grace dela Cruz)

BOARD OF DIRECTORS

CRUZ

IGINIIT

IPINABABAGO

KORTE

KUWESTIYUNABLE

SANDIGANBAYAN

SUPREME COURT

TRANS MIDDLE EAST

TRANS MIDDLE EAST EQUITIES INC

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with