ROTC ibabalik

Ipinanukala kahapon ng isang mambabatas ang muling pagbabalik ng Reserved Officers Training Corps (ROTC) matapos itong alisin dahil sa kontrobersiya.

Sa House Bill 5460, sinabi ni Cebu Rep. Eduardo Gullas na layon ng pagbabalik ng ROTC sa kurikulum na maiprepara ang mga lalaki at babaeng estudyante sa posibilidad na pagpasok sa militar, personal o civil service.

Nais din ni Gullas na gawing mandatory ang ROTC lalung-lalo na sa mga lalaking estudyante na naka-enrol sa lahat ng college students habang boluntaryo naman ito sa mga babaeng estudyante.

Naniniwala si Gullas na ang ROTC ang nananatiling epektibong paraan o tool para madebelop ang ethics of service, discipline and patriotism ng mga kabataan.

Sa panukala ni Gullas, ang ROTC ay magiging bahagi ng curriculum ng lahat ng degree courses at two-year technical o vocational courses bilang requisite for graduation. (Malou Escudero)

Show comments