^

Bansa

Pinoy hinatulan ng bitay sa Qatar

-
Isang Pinoy ang hinatulan ng parusang bitay ng Upper Criminal Court sa Doha, Qatar dahil na rin umano sa ginawa nitong pananaksak at pagpatay sa isang Pinay OFW sa nasabing bansa noong 2004.

Kinilala ang hinatulan na si Rolando Villamin, 35, ng Ilocos Sur.

Si Villamin ang itinuturong salarin sa pagkamatay ni Rasalyn Fernandez, 34, tubong Pampanga noong Agosto 4, 2004.

Ayon sa report, si Villamin ay pinatawan ng death sentence nitong Hunyo 7 dahil na rin sa matibay na ebidensiya na naiharap sa korte ng mga awtoridad sa bansang Qatar.

Hindi umano napagtakpan ni Villamin ang ginawa nitong krimen makaraang makita ang bangkay ng biktima sa loob ng kanyang kuwarto sa Umm Ghuwailina sa Doha.

Tiniyak naman ni DFA Usec. Esteban Conejos na kanilang tutulungan ang magkabilang panig dahil kapwa Pinoy ang biktima at suspek.

Anya, umupa na ang DFA ng dayuhang abogado para iapela ang kaso ni Villamin. (Mer Layson)

DOHA

ESTEBAN CONEJOS

ILOCOS SUR

ISANG PINOY

MER LAYSON

RASALYN FERNANDEZ

ROLANDO VILLAMIN

SI VILLAMIN

UMM GHUWAILINA

VILLAMIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with