^

Bansa

Negosasyon ng gobyerno sa NDF, wala nang saysay

-
Walang saysay ang pakikipag-usap sa National Democratic Front (NDF) at New People’s Army (NPA) habang ang mga ito ay abala sa paghahasik ng mga karahasan.

Naniniwala si National Security Adviser Norberto Gonzales na walang maibubungang positibong resulta ang pakikipag-negosasyon sa mga grupo na may dalawang mukha na ang isa ay nagtataguyod habang ang isa naman ang kumakalaban sa idelohiya ng organisasyon.

Inihalimbawa na lamang ni Gonzales ang naging pakikipag-usap sa NDF na habang nakikipagkasundo ng kapayapaan sa gobyerno ay tumanggi namang ipatigil ang NPA sa pagpatay sa mga target na military at pulis.

Sinabi rin ng opisyal na una nang inamin ni Bayan Muna partylist Rep. Teddy Casiño na ang communist movement at patuloy pa ring armado at patuloy na nakikinabang ng dalawang bagay ang NDF ang kunwari’y makipag-ayos sa pamahalaan at ang pakikipagsagupaan sa mga kaaway na sundalo at pulis.

"As a National Security Adviser, must I be expected to promote peace talks with his kind of terrorist foes? And make of us blind to the identity and oneness of the twin tactics of armed and parliamentary struggles?" saad pa ni Gonzales.

Ayon pa kay Gonzales na nagpahayag si Dr. Walden Bello, isang manunulat at dating komunista na hindi ang CPP ay rebolusnaryong hindi umano bukas ang isip at inamin din nitong ang mga makakaliwa ay isa ring malaking problema ng mga Pilipino dahil mga kapwa CPP-NPA ay kanilang pinapaslang.

vuukle comment

AYON

BAYAN MUNA

DR. WALDEN BELLO

GONZALES

NATIONAL DEMOCRATIC FRONT

NATIONAL SECURITY ADVISER

NATIONAL SECURITY ADVISER NORBERTO GONZALES

NEW PEOPLE

TEDDY CASI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with