GMA, 15 pa itutumba ng NPA!
June 7, 2006 | 12:00am
Nagpalabas kahapon ng Order of Battle o hit list ang New Peoples Army (NPA) kung saan pangunahing target na likidahin si Pangulong Arroyo kasama ang 15 iba pa.
Ang listahan na ipinadala sa Malacañang ay nagsasaad ng planong singilin ng dugo ang Pangulo dahil sa umanoy pagkakautang nito sa bayan.
Kasama rin sa hit list na itinuturing na kaaway ng bayan sina Justice Sec. Raul Gonzalez, Presidential Chief of Staff Mike Defensor, National Security Adviser Norberto Gonzales, Executive Sec. Eduardo Ermita, Press Sec. Ignacio Bunye, DILG Sec. Ronaldo Puno, DPWH Sec. Hermogenes Ebdane, Comelec Commissioner Benjamin Abalos, at mga mambabatas na sina House Speaker Jose de Venecia, Sen. Miriam Defensor-Santiago, Ilocos Norte Rep. Imee Marcos, Rep. Prospero Nograles, Rep. Luis Villafuerte, Rep. Constantino Jaraula at Gov. Ben Evardone.
Ang pagpaslang ay isasakatuparan dahil na rin sa pagsusulong ng Cha-cha at pagbalewala sa malalang isyu sa lipunan.
Minaliit naman ng Palasyo at mga kongresistang kasama sa sinasabing hit list ang banta.
Ayon kina Nograles, Jaraula at Villafuerte, wala silang nalalamang kasalanan kahit kanino man kaya wala silang dapat katakutan.
Hindi anila maituturing na kasalanan sa bayan ang pagsusulong ng Chacha dahil trabaho nila ito bilang mambabatas. (Lilia Tolentino/Joy Cantos/Malou Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended