Ang naturang operasyon ay ilegal dahil bukod sa libre ang pagbababa ng rate code, kailangang maaprubahan muna ito ng mga Zone Management Team ng Maynilad. Inireklamo ng ilang kustomer ang isang lalaking nagpapanggap na Ernesto Guada, lehitimong kawani ng Maynilad, na nangakong ibababa ang kanilang rate code sa halagang P6,000 hanggang P12,000.
Ayon kay Lucy Q.J. Diaz, isa sa mga complainant, nalaman niya lamang na siya ay naisahan nang hindi nagbago ang kanyang water bill matapos ang isang buwan. Nang idulog niya ang insidente sa Maynilad South Business Center at hinanap si Mr. Guada, laking gulat niya na ibang Ernesto Guada ang humarap sa kanya.
Ang totoong Mr. Guada ay isang frontline specialist sa South Manila BC. Inilarawan ni Diaz ang pekeng empleyado na humigit-kumulang 50, mataba at maitim. May bitbit itong mga folder at papeles at nakasuot ng Maynilad ID. Idiniin ni South Manila BC manager Eugenia Buenavente na walang sinisingil ang Maynilad na anumang bayarin para sa pagbababa ng rate code ng mga kustomer.