Budget version ng Senado aprub na
June 3, 2006 | 12:00am
Ipinasa ng Senado ang kanilang bersiyon sa 2006 budget na nagkakahalaga ng P1.027 Trillion, mababa ng halos P26.3 bilyon mula sa panukala ng Kamara na P1.053 Trillion.
Ayon kay Sen. Manny Villar, chairman ng finance committee, ilalatag na nila ito sa Lunes sa mga kinatawan ng Kongreso at magkakaroon ng bicameral conference para pag-usapan na ang pinal na budget para sa 2006.
Sa budget version ng Senado, tinapyasan ng P42.01M ang DFA, P49.09M sa DOH, P13.68M sa DOLE, P701.84M sa DND, P4B sa DPWH at P2.88B sa DOTC.
Una nang sinabi ng Senado na P31B ang kakaltasin nila sa panukala ng Kamara, subalit ibinalik nila ang P13B para sa pagtaas naman ng sahod ng mga kawani ng gobyerno. Walang ibinigay na budget sa PCGG at NPO habang binigyan lamang ng P1 budget ang Visiting Forces Agreement Commission. (Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended