Ito ang binigyang diin ni Sr. Supt. Melvin Mongcal, Dean of Academics ng PNPA sa gitna na rin ng mga isyu na hindi tinatanggap sa PNPA ang mga 3rd sex kahit pasado ang mga ito sa entrance at medical exam.
Ayon kay Mongcal, walang umiiral na diskriminasyon sa PNPA at lahat ng babae at lalaki na ibig mag-pulis ay kanilang tinatanggap bastat kuwalipikado, ke bakla pa siya o tomboy.
"We are more particular in the capability of our cadettes rather than to give focus about their respective genders," ani Mongcal.
Kaugnay nito, inihayag ni Mongcal na maaari nang magpatala sa PNPA para sa entrance exam ang sinumang nagnanais na maging pulis mula 18-23 anyos, 52" pataas ang height sa babae at 54" sa lalaki. (Joy Cantos)