^

Bansa

Bakla, tomboy pasok sa PNPA

-
Bakla man o tomboy ay kuwalipikadong mag-enrol sa Philippine National Police Academy (PNPA) para mapabilang sa organisasyon ng kapulisan.

Ito ang binigyang diin ni Sr. Supt. Melvin Mongcal, Dean of Academics ng PNPA sa gitna na rin ng mga isyu na hindi tinatanggap sa PNPA ang mga 3rd sex kahit pasado ang mga ito sa entrance at medical exam.

Ayon kay Mongcal, walang umiiral na diskriminasyon sa PNPA at lahat ng babae at lalaki na ibig mag-pulis ay kanilang tinatanggap basta’t kuwalipikado, ke bakla pa siya o tomboy.

"We are more particular in the capability of our cadettes rather than to give focus about their respective genders," ani Mongcal.

Kaugnay nito, inihayag ni Mongcal na maaari nang magpatala sa PNPA para sa entrance exam ang sinumang nagnanais na maging pulis mula 18-23 anyos, 5’2" pataas ang height sa babae at 5’4" sa lalaki. (Joy Cantos)

AYON

BAKLA

DEAN OF ACADEMICS

JOY CANTOS

KAUGNAY

MELVIN MONGCAL

MONGCAL

PHILIPPINE NATIONAL POLICE ACADEMY

SR. SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with