Tinuligsa ng mga kawani ng MWSI ang nasa likod ng pabahay sa La Mesa Dam sa kawalan ng konsiderasyon at patuloy na panggigipit sa kanilang Cost of Living Allowance (COLA). Nabatid na may mahigit 9,000 empleyado ang naghihintay na mabayaran ng benepisyo kabilang na rito ang mga nag-avail sa early retirement program ng gobyerno. Ilan dito ay nakamatayan na ang paghihintay na matanggap ang nasabing allowance.
Kontrobersiyal ang housing project sa La Mesa makaraang largahan ang pagpopondo nito kapalit ng matinding sakripisyo ng mga malilit na kawani na pinag-iispan pa kung babayaran o patutubuan pa sa bangko ang pera na nakalaan sa kaila.
Gasgas na umano ang linya ng management na walang pondo ang ahensiya para bayaran ang naantalang benepisyo ng mga empleyado dahil itinatapon ang budget sa ilang hindi makabuluhang proyektot ulad ng La Mesa housing. (Lordeth Bonilla)