Pag-aprub sa P1T budget tatapusin
May 20, 2006 | 12:00am
Siniguro ni Sen. Manny Villar na tatapusin nila sa loob ng isang linggo ang pagpapatibay ng panukalang P1.053 trilyong budget ng pamahalaan ngayong taon.
Sa Lunes ay ihaharap ni Sen. Villar sa plenaryo ang panukalang budget upang mapagdebatehan agad. Bubuo ng bicameral conference committee upang plantsahin ang magkaibang bersiyon ng Kamara at Senado.
Nangangamba naman si Villar na magkaroon ng brasuhan sa bicam meeting dahil sa mga kuwestiyunableng alokasyon.
Pinakamalaking halaga ang mapupunta sa DepEd, P119.1 bilyon; pangalawa ang DPWH, P62.3-B at Defense, P46.6-B. (Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am