Ret. generals gagamitan ng pwersa mapalayas lang
May 18, 2006 | 12:00am
Gagamitan ng puwersa ng Phil. Navy ang overstaying na mga retiradong generals kapag nagmatigas na umalis sa kanilang mga quarters sa Naval Station sa Fort Bonifacio, Makati City sa Sabado.
Ito ang babala kahapon ng eviction team commander na si Marine Lt. Col. Gioksan Damang kasabay ng pahayag na bumuo na ang Navy ng Task Force Balik-Bahay na kapapalooban ng 1,300 tropa kaugnay ng itinakdang deadline hanggang Sabado para palayasin ang 56 overstaying na retiradong mga opisyal.
"Saturday is our D-Day for the eviction," ani Damang.
Binigyang diin pa ni Damang na wala silang pakialam kung may mga retiradong opisyal na magmamatigas na lumisan bastat susundin nila ang kautusan ng liderato ng Navy na palayasin na ang mga ito sukdulang gumamit ng puwersa.
May 100 junior officers at 1,200 sundalo ang pinag-assemble ng Navy sa Marine Headquarters grandstand may ilang metro ang layo mula sa target ng eviction team na Bonifacio Naval station housing.
Labing-isang 6x6 trucks, isang payloader at isang bulldozer ang nagsagawa ng troop formation kung saan ay nagsagawa ng briefing sa mga ito ang kanilang commander.
Kabilang sa mga pinapalayas ang tatlong dating Navy chief na sina Vice Admirals Mariano Dumangcas, Ernesto de Leon at Victorino Hingco na nag-umpisa nang mag-impake ng kanilang mga kagamitan.
Ang eviction team ay nahahati sa tatlong grupo na binubuo ng mga sundalong tutulong sa pag-iimpake ng mga retiradong opisyal, maghahakot ng mga gamit ng mga ito na ilalagak sa Marine gym at mangangalaga sa seguridad ng bisinidad ng Bonifacio naval station. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest